Ang tao nga naman, pilit na ikinukubli ang sarili sa mga bagay na nakasanayan na niya. Ang iba’y takot sa pagbabago. Ang nais lang nilang malaman, gawin at alamin ay iyong nakaka-tawag pansin lang sa kanila, at mga alituntuning kabisa na nila. Kung sabagay, masisisi mo ba sila? Kung sa bawa’t hulma ng kanilang pagka-tao ay nakatatak na ang ganoong klaseng buhay? Ang ibig ko lang naman sabihin e, minsan kailangan din nating kumawala...
Gusto kong lumaya. Gusto kong maranasan ang sarap at pait nito. Gusto kong baybayin ang bawat hakbang ko na hindi dinidiktahan ng iba. Gusto kong lumayo sa nakasanayan na. Gusto kong hanapin kung saan talaga ako magiging masaya. Pero, saan nga ba ako tutungo? Mayroon nga ba akong patutunguhan?
Mayroon sa atin na alam ang ibig sabihin ng kalayaan. Ang bigat at halaga nito sa ating kabuuan. Ngunit ang iba’y tila patuloy na nakatali sa kahapon, at ‘di pa rin makamit ang minimithing tunay na kalayaan. Siguro’y ‘di nila alam kung paano ito makamtan, o sadyang masaklap lamang ang kanilang kapalaran kaya ang pakiramdam nila’y naka-gapos pa din sila at hindi makalaya.
Minsan naiisip ko na lumayo na lang, sa lahat ng bagay na alam ko’y makaka-pigil sa akin na hanapin ang tunay kong sarili. Nais ko din naman isipin na mayroon akong halaga bilang isang indibidwal, hindi lang bilang isang anak, kapatid, kaibigan o kung anuman. Alam ko na marami akong pwedeng gawin sa buhay na ipinagkaloob sa akin. Alam ko din naman na maswerte na ako, sa aking kinagisnan at sa mga bagay na natamo ko at nasaksihan habang ako’y nagkaka-edad. Ngunit, nakakadama pa din ako ng lungkot. Para bang may blankong espasyo dito sa pagkatao ko. Hindi ko mawari kung sadyang normal lang ba iyon o talagang nangungulila na ako sa kalayaan na matagal ko ng gustong makamit...
Kung alam lang siguro nila ang pakiramdam na para kang nasa hawla, may pakpak ka nga, ’di ka naman makalipad. Ano pang silbi ng mga iyon kung pilit nilang parurupukin ang mga mistulang sandata mo upang alamin ang tunay na buhay sa dako paroon? Tuluyan ka na lang bang magpapa-pilay o sisirain mo ang mga metal na harang mo?
Ewan ba. Para bang nasanay na ako sa ganito. Hindi ko tuloy malaman kung nasira na ba ng tuluyan ang tiwala ko sa sarili e. Kumbaga, takot na ako sumubok. Wari ko kasi’y madaming mawawala. Pero ang katunayan, ang mawawala lang sa akin ay iyong nabuo kung panangga sa mga bagay na inakala ko ay makakasakit sa akin. Masakit mang isipin, pero totoo. Ganito ako. Takot. Pero hindi ako nahihiyang aminin iyon sa sarili ko. Kailangang kong lumaya. Ano man ang mangyari.
Sa mundong ito, kailangan mong maging matibay. Kailangan mong makisabay sa alon ng buhay. Madadapa ka, oo, masasaktan, bagamat hindi maiiwasan ang mabigo ka, hindi ibig sabihin ay susuko ka na lang. Wala ng mas hihigit pa sa taong may paninindigan at may ipinaglalaban. Kailan lang ay tiwala lang sa sarili. At sa Kanya…
Ang sarap sigurong sumayaw sa saliw ng mga batang tumatawa; mapayapa siguro ang pakiramdam sa piling ng mga naglalaglagang mga dahon at sa huni ng hangin… Masaya siguro ang ganito. Malaya ka, lalo na sa piling ng taong pinakamamahal mo. Wala na siguro iyong kapantay. Wala na….